November 30, 2011

Parang Tanga Lang

First year college ako noon nang una ko siyang makita,
Sabi nila ang cute niya pero di ko agad nakita.
Naging close kami at nalaman na siya pala'y dakila
Pero late na nang malaman ko kaya ako'y nagaga.

Dalawang taon na ang nakalilipas
Ngunit multo niya'y hanggang ngayo'y may bakas.
Ang puso kong ito puno man ng gasgas
Kung umibig nama'y walang kasing wagas.

Gusto kong ipabatid ang aking pagmamahal
Ngunit ang bibig ko'y lagi na lang nauutal.
'Pag kaharap na ang aking pinakamamahal,
Kahit simpleng "Hi" lang ay hindi ko pa mausal.

Ngayon ako'y nagsisisi sa mga di ko nagawa
Subalit ang pagsisisi'y wala na ring magagawa.
Umiyak man ako'y magmumukha lang akong kawawa
At di ko matatanggap ang kanyang walang kwentang awa.

Ang ninanais ko lang ay kaunting pagmamahal
At sa kanya ko 'yon hinintay nang kay tagal-tagal.
Ang pag-ibig ko malungkot man ay di napapagal,
Patuloy akong maghihintay sa'king minamahal.

2 comments: